Basha: Litung-lito na ko e. Di ko na alam gagawin ko. I need your expert opinion. Si Popoy kasi e…
Mark: Popoy? E kailan naman ako naging expert kay Popoy?
Basha: Lalaki ka. Tsk. Anyway, Mark, kasi kanina nagpunta kami kela Kenneth. Hindi man lang niya ako sinigawan.
Mark: O, isn’t that good?
Basha: Ang bait-bait pa nya sakin kanina. Tapos chinika-chika pa nya ko, bumeso-beso pa sya sakin bago sya umalis. O, bakit nya ginawa yun? Ano ibig sabihin nun?
Mark: Bakit, bawal ba?
Basha: Ugh, Mark! Mark, nandon ka nung sinigaw-sigawan nya ko! Halos patayin nya na ko nung huli kaming magkita. Nandon ka, diba? O, e anong nangyari?
Mark: O, e baka okay na siya…
Basha: Okay na siya as in hindi na siya galit sakin?
Mark: Bash, okay as in tanggap na nya na hindi na kayo magkakabalikan… kasi nakamove-on na sya.
Basha: Tingin mo?



